Wednesday, April 17, 2013




Chapter One

“MEGAN naman eh, kanina pa ko nagsasalita dito hindi ka naman pala nakikinig,” reklamo sa kanya ni Mia her bestfriend since elementary at ngayong college lang sila ulit nagkita dahil hindi sila pareho ng high school na pinapasukan. Hanggang ngayon ay iisa lang talaga ang problema nito sa buhay mula noong elementary pa sila, boys! Ngayon ay nagdadrama na naman ito dahil iniwan na naman ito ng boylet nito na si Andrew at ipinagpalit sa new girl nang campus nila. Hindi niya alam kung bakit hindi pa ito nagsasawa sa pagbo-boyfriend. Lahat naman nang lalaki sa kanya ay sakit lang sa ulo.
            “Of course nakikinig ako, ina-absorb ko lang ang katangahan mo sa pag-iibig and don’t say I didn’t warned you dahil noon pa man hindi ko na gusto ang hilatsa ng pagmumukha nang lalaking iyon. Kung nakinig ka lang sana sa akin noon di hindi kana umaatungal diyan,” sermon niya sa kanyang bestfriend.
            “Ouch ha, masakit na iyon. Hindi kana nakakatulong sa akin.”
            “Well, the truth hurts kaya tanggapin mo.”
            “Aggh! Wala man lang konting pangpa kalma ng heart ko diyan. Sermon agad Megs hindi ba puwedeng damayan mo muna ako. Nakaka bad-trip ka naman,” anito at tumalikod sa kanya. Kunwari ay nagtatampo ito pero kilalang-kilala niya ang bestfriend niya, hindi ito marunong magtanim nang galit sa kaibigan nito lalung-lalo na sa kanya, kaya nga love na love niya ito eh.
            “O sige na nga, ibibigay ko na sa iyo ang pangpakalma ng heart mo,” aniya at may ibinigay ritong picture. Nakita niya agad ang pagbabago nang mood nito from sadness to gladness hindi ba parang baliw lang itong bestfriend niya.
            “Oh God Megs! Saan mo ito nakuha? I love you na talaga, ikaw na,” anito at niyakap siya nang pagkahigpit. Ganito ito pag natutuwa napakalambing iwasan mo nga lang ng konti dahil masu-suffocate ka sa higpit nang yakap nito siguro nga isa ito sa dahilan kung bakit iniiwan ito ng mga boylet nito dahil sa higpit ng yakap nito. Puwede ba iyon? hahaha.
            “Ang dali mo namang nakalimut ni Andrew. Well I have my sources Mia, you know me,” pagsisinungaling niya dahil galing talaga sa kanya ang picture na iyon.
            “He doesn’t deserve me pero thank you talaga bestfriend I owe you one,” anito at medyo maiiyak na ang drama talaga nito puwedeng pang drama club actress. “OMG talaga Van Reyes akin ka na ngayon,” anito at hinahalikan ang picture ni Van.
            Van Reyes was the guy from her past. Hindi ito nakilala ni Mia dahil she met him when she was still in high school and Mia is not part of her high school days dahil hindi nga sila pareho nang school na pinapasukan noon. He is also the son of Mr. Benedict Reyes the school’s principal. Van was her sweet mistake pero bata pa siya noon at nagkakamali din. Van was a former heartrob back then and girls swoon him like crazy, everyone loves him including her, she adored him so much pero iyon na yata ang pinakamalaking pagkakamali niya. He broke her heart into pieces but that was before iba na siya ngayon, hindi na siya katulad nang dati na nagkakandarapa dito at mula noon she promised to herself that she will not definitely fall for a guy like him.
            Naalala niya agad si Mia nang makita niya ang picture na iyon habang naglilinis siya kahapon sa kwarto niya, nakalimutan ata niyang isama iyon sa mga sinunog niyang mga gamit nito na ibinigay mismo nito sa kanya. Nakalagay iyon sa paborito niyang libro.
Hindi niya gusto si Van para kay Mia pero kailangan niyang ma divert ang feelings nito para hindi na ito malungkot pa sa break up nila ni Andrew. And besides matagal na siyang naka get over kay Van at nakatulong iyon ang hindi nila pagpapansinan since first year college at hindi rin sila pareho nang kursong kinukuha kaya minsan lang talaga sila nagkikita.
            “Eww! Mia tigilan mo nga yang kakahalik sa picture na ‘yan at baka maubos mo ‘yan.”
            “Palibhasa kasi hindi ka pa nagkaka-boyfriend kaya hindi ka nakaka-relate sa mga pinaggagagawa ko ngayon,” hindi nito alam na once ay umibig din siya nasawi nga lang.
            “Hoy ha! Pakialaman ba naman ang lovelife ko, babawiin ko talaga iyan.”
            “Huwag ka rin makialam sa lovelife ko noh.” Maldita talaga ‘tong bruhang ‘to.
            “Okay fine!”

KASALUKUYANG nagda-drive si Megan sa mini-cooper niya na kotse nang tumunog ang ringtone niya na End of Time by Beyonce Knowles at kilala na agad niya kung sino ang tumatawag sa kanya si Mia at malamang nag-aalburuto na ito sa galit dahil kanina pa dapat alas otso ng umaga sila magkikita pero tinanghali siya ng gising kanina dahil sa puyat niya ka gabi. Kagabi kasi ay nag sing along silang magpapamilya at dahil minsan nga lang nagkayayaan matagal bago ito natapos at medyo paos pa ang tinig niya ngayon.
“Megs where are you na ba? Kanina pa ako nandito sa coffee shop ni Max ah mag ti-ten na, wala ka bang balak pumunta dito dahil mukhang nakakalima na ako ng kaping na inom dito super hyper ko na. Ano? Wala ka rin bang balak tapusin ‘tong lintik na project na ‘to?”
“Relax Mia, papunta na ako diy—,” natigil siya nang marinig itong tumili sa kabilang linya. Alam na agad niya kung bakit ito tumitili nang ganoon mahigit sa malamang nakakakita na naman ito ng vitamins sa mata nito. She mean GUYS! Cute guys na nagpapatayo ng balahibo ng kaibigan niya kaya ito tumitili.
“Mia ano ba, ang eardrums ko.”
“Sorry there Megs!” tili pa rin nito. “But you won’t believe this, Van is here pero parang galit ata ito sa kasama nitong babae, mukhang nag-aaway. Pero wa ako paki te ang beauty ko te ang paki ko ngayon, hindi pa ako nakakapag make-up bilis pumunta ka na dito I need your excellent green mascara.”
“Oo na! Napaka harot talaga nitong babaeng ito. Nasa parking lot na ako,” aniya at kasalukayang pina-park ang sasakyan niya pero medyo malayo ito sa entrance ng coffee shop kaya maglalakad pa siya ng two minutes.
Wait did she mean Van? Van Reyes?
She tensed at hindi niya alam kung bakit.
“OMG saan siya pupunta—,” hindi na niya narinig ang iba pang sasabihin ni Mia dahil pinutol na niya ito.
Lumalabas agad siya ng kotse at naglakad patungo sa entrance ng coffee shop pero parang medyo may nakalimutan siyang dalhin kaya habang naglalakad ay inuutingkay niya ang laman nang kanyang bag kung meron nga ba siyang nakalimutan. Pero habang naglalakad siya hindi niya napansin na papalapit na pala siya sa pinto kaya nang bumukas ito tinamaan siya sa noo and then blagh! Natumba siya sa lakas nang pagkakatama ng pinto sa noo niya.
Sino ang walang hiyang nagbukas ng pinto dahil makakatikim sa akin ng suntok? Agh pero bakit umiikot ang paligid, bakit napakaraming tao,
“Meggy are you okay? Oh God I’m sorry.” at sino itong bumubuhat sa akin bakit parang pamilyar sa kanya? and then everything went black. Patay na ba ako, huwag naman po sana, kaka-start lang nang character ko dito patay agad.
            Nagising si Megan sa lakas nang iyak ni Mia. Ang drama talaga nito kung maka atungal lang nang iyak animoy namatayan.
            Pero nagtataka siya sa kinalalagyan niya ngayon. Hindi niya ito kuwarto hindi rin ito kay Mia pero parang pamilyar sa kanya ang kuwartong ito. “Hoy! Mia hindi pa ako patay, kung maka iyak naman ‘to”
            “Bestfriend? Oh God bestfriend salamat naman at buhay ka, akala ko talaga hindi ka na kailanman gigising.”
            “OA mo ha, tayka lang nasaan ba ako? Di ba dapat nasa clinic ako o ospital?”
            “Mabuti naman at gising ka na, and I’m glad you’re okay now,” sabi nang pamilyar na boses.
            Oh God! Ang boses na iyon. Hindi puwedeng siya, hindi maaari, sabi ng isang isip niya.
            Bakit ka ba nag iinarte Megan eh naka get over ka naman na sa kanya. Sabi naman nang kabilang isip niya. Mukhang nababaliw na ata siya.
            “Megs dinala ka ni Van dito sa kwarto niya! Diba ang sweet instead na sa clinic ka niya dalhin,” bulong ni Mia sa kanya.
            Pero mukhang narinig iyon ni Van. “I didn’t bring you to the clinic because dad might know it,” sabi nito. Hindi parin pala ito nagbabago at ano namang aasahan niya dito kundi wala.
            Kailangan niyang makaalis dito ngayon din.
            “Wait Megs where are you going? Hindi ka pa medyo okay,” sabi ni Mia at pinigilan siya sa pagbangon.
            “You know what? Mia’s right hindi ka pa medyo okay and I apologize for that, you can relax in my bed.” Bakit mukhang relax lang ito. Hindi na ba siya kilala nito.
            “Hindi na kailangan pa, Mia lets go,” sa puntong iyon ay hindi na siya napigilan pa ni Mia dahil nagmamadaling kinalagkad niya ito dahilan upang malaglag ang mga hawak nito. She hurriedly pick up her things nang makita niya ang picture ni Van.
            Bakit ito nandito? Agh! Ibinigay nga pala niya kay Mia ito at si bruha naman dala-dala pa talaga nito ang picture ni Van. Patay!
            “You still have that Meggy? Akala ko sinunog mo na ‘yan?” he said with a smirk.
            Sandail, anong ibig sabihin ng ngiting iyon?
            “Wait! Who’s Meggy? Magkakilala ba kayo? And about this picture it’s mine, okay,” sabi ni Mia na mukhang nalilito na. Hawak na nito ngayon ang picture ni Van.
            “What do you mean it’s yours?” tanong ni Van sa nakakatakot na tinig na ngayon ay nakaharap na kay Mia.
            “Uh-ahm eh-ah k-kay Megan talaga ito ibinigay lang niya sa akin,” nagkakandautal na pahayag nito. Takot ba it okay Van.
            At ngayon ay sa kanya naman nakaharap si Van na parang nagtatanong. “You give her my picture?” he said.
            “Sandali nga lang muna, ako ay naguguluhan na sa inyong dalawa. Magkakilala ba kayong dalawa?” sabi Mia na mukhang nahimasmasan na ata.
            “You ask her,” sabi naman ni Van.
            What? Me? Bakit nahihiya ba siyang sabihin na once ay nagging kami.
            “I’ll explain it later Mia for now aalis muna tayo, let’s go,” aniya pero si Van naman ang pumigil sa kanya.
            “Meggy wait, can we just forget it and start a new one,” nakita nito ang pagkagulat niya sa sinabi nito. “What? Wait, it’s not what you’re thinking, what I mean is bilang magkaibigan,” paliwanag nito. Kaibiganin mong mukha mo,..bitter lang Megs!
            “I did, infact the whole thing that you did to me pero wala akong makitang dahilan kung bakit kailangan pa natin maging magkaibigan,” sabi niya. “Oh and stop calling me Meggy, coz’ I’m not your Meggy anymore.” Iyon lang at lumabas na si Megan sa kwarto ni Van habang nakabuntot naman sa kanya si Mia.
            “What was that all about Megan Lenares, you need to explain me now?” sabi nito nang makasakay na sila sa kotse nito.
            “I know Mia. I’ll explain everything later but for now let me get out of here immediately.”

No comments:

Post a Comment